Mananatili kang isang bituin sa aking paningin
Nakatutuwang isipin, Hindi ko akalain
Isa pala talaga akong hangal 'pagkat inakala kong maari kitang kunin
Pinilit kang abutin, sungkitin
Ngunit nang malapit na kitang mahawakan
Napaso ako't panungkit ay nabitawan
Mananatili kang isang bituin sa aking paningin
Ang pangarap na makuha ka'y tinangay na ng hangin
Tama nga yata ang sabi ng nakararami
Na mas maganda kung ika'y akin na lamang titingalain
Sa gayon, di ako mapapaso o masasaktan
Mas nababagay ka naman talaga diyan sa kalangitan
O paalam, aking bituin
Di ka naman talaga yuyuko para sa akin
Kay layo ng langit dito sa inaapakan kong lupain
Makakahanap din ako ng mas nakahihigit sa'yo
Hindi na ako muling titingala sa langit
O paalam, aking bituin
No comments:
Post a Comment