Hanggang saan ang kaya mong
ibigay para sa pag-ibig? Anu-ano ang mga bagay na handa mong isuko para sa
pag-ibig?
Paano mo masasabing totoo ang
pa-ibig kung hindi nito kayang magtanggol? Paano mo masasabing totoo ang
pag-ibig kung hindi ito marunong lumaban?
Hindi tayo magkapareho ng paraan
ng pag-ibig. Gusto ko lang naman noon, may magmahal sa’kin sa kung sino at ano
ako. Oo, siguro nga ganoon ang ginawa mo. Ngunit madalas mong sabihin na ako,
hindi kita tanggap. Magkaibang-magkaiba tayo ng pananaw. Siguro dahil magkaiba
tayo ng kinagisnan.
Malabo. Hindi tayo magkatagpo.
Palagi na lang akong talo. Sa lahat ng pasya, ikaw ang laging panalo.
Ewan ko. Minsan, napapaisip ako
kung talaga bang mahal mo ko.
Naaalala mo pa ba ‘yung kwento ng
Iron Man 3?
Naaalala mo pa ba kung anong
nangyari?
Siguro nga sa pelikula lang
nangyayri ang mga ganoong bagay.
‘Yung isinuko ng lalaki ang
lahat, mas pinili na lang na makasama ang taong minamahal niya at mamuhay ng
simple at mapayapa.
Oo. ako nga si Pepper Potts. Pero hindi ka si Tony Stark.
No comments:
Post a Comment