Sunday, August 25, 2013

Ideya. Ideya. At isa pang ideya.

"There is no such thing as an original idea"

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga kataga na ito mula sa Executive Producer ng DZMM na si Ginoong Tristan Jay "TJ" Correa noong pumunta siya sa Pamantasan upang magbahagi ng kanyang kaalaman ukol sa radio broadcasting.

Totoo nga. Sapagkat ang iyong ideya ay paniguradong nagawa na rin ng iba nang hindi mo namamalayan.

Nakakalungkot lamang isipin na may ibang tao na sadyang nanggagaya. Sadyang kinukuha o inaangkin ang ideya ng iba.

Napapaisip tuloy ako minsan at nasasabi sa sarili, "paano na uunlad ang bayan sa ganitong pag-uugali ng iba?"

Oo, may mga gawa na tunay na kahanga-hanga. Ngunit sana'y gamitin natin ang mga ito upang inspirasyon sa paglikha ng ating matatawag na sariling atin at hindi kopyahin lamang.

Kung ikaw kaya ang nasa posisyon nila, anong mararamdaman mo?

Sabi nga nila,

"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa'yo."

No comments:

Post a Comment