When I made this blog, I told myself that this is gonna be different from my previous blog on tumblr.
I didn't like my tumblr account so much because that account (which is now inactive) is full of negative thoughts and hatred. So, I told myself that this site should be a stress-free and feel good site. That's why even if I'm so pissed because of a certain incident, I still try to turn things upsidedown to fulfill my aim.
However, it is inevitable to feel lonely and/or super pissed at times. No matter how hard I try to contain myself, I just can't.
I should be studying for my midterm examination for Issues Management and Crisis PR but then, I just can't concentrate; especially, I know that I am holding something in. I don't want to go into the details of the story simply because I don't want to talk about that someone who often makes me insane because of his recklessness anymore. I don't want to talk anymore because I don't want a fight.
I have no idea what I should do with him.
Maybe.. the best thing to do for now is to be silent.
Tuesday, August 27, 2013
Sunday, August 25, 2013
Ideya. Ideya. At isa pang ideya.
"There is no such thing as an original idea"
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga kataga na ito mula sa Executive Producer ng DZMM na si Ginoong Tristan Jay "TJ" Correa noong pumunta siya sa Pamantasan upang magbahagi ng kanyang kaalaman ukol sa radio broadcasting.
Totoo nga. Sapagkat ang iyong ideya ay paniguradong nagawa na rin ng iba nang hindi mo namamalayan.
Nakakalungkot lamang isipin na may ibang tao na sadyang nanggagaya. Sadyang kinukuha o inaangkin ang ideya ng iba.
Napapaisip tuloy ako minsan at nasasabi sa sarili, "paano na uunlad ang bayan sa ganitong pag-uugali ng iba?"
Oo, may mga gawa na tunay na kahanga-hanga. Ngunit sana'y gamitin natin ang mga ito upang inspirasyon sa paglikha ng ating matatawag na sariling atin at hindi kopyahin lamang.
Kung ikaw kaya ang nasa posisyon nila, anong mararamdaman mo?
Sabi nga nila,
"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa'yo."
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga kataga na ito mula sa Executive Producer ng DZMM na si Ginoong Tristan Jay "TJ" Correa noong pumunta siya sa Pamantasan upang magbahagi ng kanyang kaalaman ukol sa radio broadcasting.
Totoo nga. Sapagkat ang iyong ideya ay paniguradong nagawa na rin ng iba nang hindi mo namamalayan.
Nakakalungkot lamang isipin na may ibang tao na sadyang nanggagaya. Sadyang kinukuha o inaangkin ang ideya ng iba.
Napapaisip tuloy ako minsan at nasasabi sa sarili, "paano na uunlad ang bayan sa ganitong pag-uugali ng iba?"
Oo, may mga gawa na tunay na kahanga-hanga. Ngunit sana'y gamitin natin ang mga ito upang inspirasyon sa paglikha ng ating matatawag na sariling atin at hindi kopyahin lamang.
Kung ikaw kaya ang nasa posisyon nila, anong mararamdaman mo?
Sabi nga nila,
"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa'yo."
Saturday, August 24, 2013
Ganito Na Po Kami Ngayon (This is How We Are Now) : A Glimpse of the Philippines at Present
For the Love of Art. This woman willingly embraced the needle to her skin without a trace of fear. |
In 2010, I watched a
documentary about the last native tattoo artist named Wang Od. In the said
documentary, I found out that the indigenous people in the Philippines already had
their culture and rituals even before the Spaniards came. One of which is pagbabatok or tattooing. Tattoos serve
as mark of honor or protection for the huntsmen; while for the women, tattoos
are symbol of beauty and fertility. Because of this, they were labelled as pintados or painted people.
No Pain, No Gain. In order to have a beautiful tattoo, one must be willing to embrace the consequence. |
At present, there are a lot of
Filipinos who have tattoos; not because they are part of a tribe but mainly
because for the love of art. I asked people that I know why they decided to
have a tattoo and majority of them told me that it is their way of expressing
themselves. Some of them also said that their tattoo represents a milestone of
their life or a memory of a loved one. Of course, there are other reasons why
people want to have a tattoo. Whatever their reason is, we just have to respect
their views.
Church in a Subdivision. In 1950's, all the new Christian converts were required to construct their houses around the church. Now, we are unconsciously practicing the said tradition. |
The New Face of Christianity. Churches today are simpler and modern in structure. |
A Prayer is the most powerful weapon. |
During the Spanish occupation, churches and convents that are made of stone were built in the country. Some of them appear like solid fortress to impress the indios. [1]
If we are to compare, churches
today are simple and the architecture is modernized. It is more of a home than
a fortress; very welcoming, not intimidating.
Ala Cart. No need to go to the market with this very industrious vendor who sells vegetables with his very reliable kareton. |
Karetons are still alive and
kicking. However, they have a new face. Instead of being pulled by an ox, it is
now being pushed by a person. At present, it is usually used for selling
fruits, vegetables and other produce. It is also used as a shelter for people
living in the streets.
What’s unique about Philippines
is the jeepney that was originally a U.S. military jeep. An unknown innovator
tried to recreate the U.S. military jeep into something that mirrors the
Filipino culture and voila! A combination
of two nations was created. Then it was exhibited in the New York World Fair of
1964-1965 as a national image for the Filipinos.
Patience. While waiting for a passenger to come, these tricycle drivers prefer to sit back and relax. |
![]() |
Forgotten. This is the Sta. Mesa post office at present. |
Remember how people used to send
letters to their friends, loved ones or relatives who live in the province or
abroad? I do. My mother and I used to go in Santa Mesa post office every first
Friday of the month to drop letters for our relatives who reside in America.
When I was a kid, I enjoy writing letters; sometimes, I also draw stuffs and put some design on the letter especially if there is an occasion. Until now, I still enjoy writing
letters for my friends and loved ones. But it no
longer passes through Mister Postman; I just personally give the letter to
them.
Tech-y Kid. Today's generation of kids are very lucky to experience the gift of technology. |
When cellular phones became
available in the country, everything became possible. I started to often hear
people saying, “I’m just a text away”, which clearly shows that texting is more
convenient than writing letters; besides, It is time and energy saving. No need
to look for a payphone. No need to go to the post office. In just a blink of an
eye, your message will be received by your friend. In just a snap of your
fingers, you will be able to talk to your loved ones.
It’s funny how fast the world changes. Today, you may have the latest smartphone; but when you wake up tomorrow, another smartphone may be released. Just like the generations that keep on evolving.
But there is one thing that I
hope Filipinos would not forget.. and that is their nationalism.
_______________________________________________________________________________________
Sources:
David, Kara. (19 July 2010). I-Witness: Ang Huling Mambabatok [Documentary]. Philippines, GMA Network.
Mercado, Leonardo N. (1994). The Filipino Mind, Philippine Philosophical Studies II. Washington D.C. : The
_______________________________________________________________________________________
[1] Agoncillo, Teodoro A.
(2008). History of the Filipino People. Quezon City: Garo Tech Books
Incorporated. (Page 81)
Incorporated. (Page 81)
[2] Mercado,
Leonardo N. (1994). The Filipino Mind,
Philippine Philosophical Studies II. Washington D.C. : The
Council for Research in Values and Philosophy. (Page 174)
Council for Research in Values and Philosophy. (Page 174)
Sources:
Agoncillo, Teodoro A. (2008). History of the Filipino People. Quezon City: Garo Tech Books Incorporated.
Mercado, Leonardo N. (1994). The Filipino Mind, Philippine Philosophical Studies II. Washington D.C. : The
Council for Research in Values and Philosophy.
Friday, August 23, 2013
Alamat ng Ampalaya
Noong unang panahon sa kaharian
ng mga gulay, mayroon magkapatid na talong. Ang panganay ay si Talonglong at
ang bunso naman ay si Talonggito. Sila ang mga prinsipe ng kaharian.
May gusto si Talonggito sa
kanyang pinsan na si Okasta, isang okra. Sa tuwing may pangangailangan si
Okasta, tinutulungan ito ni Talonggito upang maipahayag nito ang kanyang
pagtingin sa dalaga. Gusto rin naman ni Okasta si Talonggito sapagkat
napakabait, napakatalino at napakamatipuno ni Talonggito. Subalit, hindi sila
maaaring mag-ibigan sapagkat sila nga ay magkadugo.
Isang hapon, nagtapat si
Talonggito kay Okasta ng kanyang pag-ibig at niyaya niya itong magpakasal. Oo
nga’t may pagtingin din si Okasta sa kanyang pinsan ngunit tumanggi siya sa
alok ni Talonggito upang umiwas sa kahihiyan.
Labis na nasaktan si Talonggito
sa mga nangyari kaya’t niyaya niya sa Talonglong upang samahan siyang tumakas
sa palasyo at humanap ng isang dalaga na magmamahal sa kanya. Pumayag naman si
Talonglong na samahan ang kanyang naghihinagpis na kapatid.
Lumuwas sila sa isang bayan na
kung tawagin ay Kamalandia, isang lugar kung saan naninirahan ang lahi ng mga
kamatis. Nabighani sila sa ganda ng lugar na ito at tila ba masaya ang lahat ng
tao. Habang naglalakad ang dalawang prinsipe, nakabangga ni Talonglong ang
isang kamatis na papasok sa paaralan. Tumilapon ang mga dalang libro ng kamatis
at tila ba nataranta si Talonglong sa nangyari. Agad na pinulot ni Talonglong
ang mga kagamitan ng kamatis ngunit hindi ito humingi ng paumanhin sapagkat si
Talonglong ay ang epitome ng
kasaamang asal, at hindi marunong tumanggap ng pagkakamali.
“Sa susunod, tumingin ka sa
dinadaanan mo.” Sabi ni Talonglong sa kamatis.
Nagtaas ng kilay ang kamatis at
sumagot, “Hoy! Ikaw ang tumingin sa dinadaanan mo! Nakalingon ka kasi sa
tindahan ng mga alak kaya nabangga mo ako. Ako, na naglalakad sa tamang
daanan!”
Tila ba nahiya si Talonggito sa
inasal ng kanyang kapatid kaya naman humingi ito ng paumanhin sa kamatis.
Humanga rin si Talonggito sa ipinamalas na katapangan ng kamatis na ‘yon
sapagkat walang sinumang dalaga sa kanilang kaharian ang marunong lumaban;
lahat ay parang mga tuta na sumusunod lamang sa kung anuman ang iutos o sabihin
sa kanila.
Nang aalis na sana ang kamatis,
pinigilan ito ni Talonggito.
“Sandali, a-a-anong pangalan mo?”
tanong nito.
Magaan ang loob ng kamatis kay
Talonggito dahil sa kababang-loob na ipinakita nito. Bagamat hindi siya ang may
kasalanan, siya pa ang humingi ng paumanhin sa ginawa ng kanyang kapatid.
“Kamari. Kamari ang ngalan ko.” Sagot naman nito.
Inilabas ni Talonggito ang
singsing (na dapat sana’y para kay Okasta) at sinabi, “Kamari, will you marry me?”
Nagulat si Talonglong sa
pangyayaring ito. Hindi niya matanggap na sa dinami-rami ng maaaring mapili ni
Talonggito upang pakasalan, isang hampas-lupang walang galang pa ang napili ng
kanyang kapatid.
Nagulat din si Kamari ngunit tila
ba naisip niya na biyaya ito ni Bathala sa kanya sapagkat isa siyang mahusay na
mag-aaral at isa siyang gulay na marunong ipaglaban ang kanyang karapatan.
Hindi nagpapadehado si Kamari at tunay na marunong gamitin ang kanyang utak sa
pagpapasya.
Naluluhang sumagot si Kamari sa
alok ni Talonggito, “Oo naman!”
Nagyakapan ang dalawa samantalang
nagngingitngit naman sa galit si Talonglong.
Isinama ni Talonggito si Kamari
sa kanilang kaharian. Ipinakilala sa kanyang mga magulang, kamag-anak at mga
alipin.
“Siya ang aking mapapangasawa,
mula sa Kamalandia, si Kamari!” buong pagmamalaki ni Talonggito.
Ngunit hindi makapapayag si
Talonglong na si Kamari ang mapangasawa ng kanyang kapatid. Bumuo na ito ng
plano upang siraan si Kamari sa buong kaharian.
Sapagkat higit na naiiba ang
kaugalian sa Kamalandia at sa Kaharian ng mga gulay, ibang-iba rin ang
pag-uugali ni Kamari. Hindi siya katulad ng mga dalaga sa palasyo at ito ang
nakitang butas ni Talonglong upang siraan si Kamari.
Iginigiit ni Talonglong na
masamang tao si Kamari. Na hindi ito marunong makisama at isa itong bastos na
gulay.
Ngunit hindi naman naniniwala ang
mga tao sa palasyo sa mga sinasabi ni Talonglong sapagkat nauunawaan nila na si
Kamari ay hindi nila katulad. Isa siyang makabagong babae. Isang modelo na
nararapat tularan at hindi kamuhian.
At dahil hindi nagtagumpay ang
kahibangan ni Talonglong, muli siyang nakaisip ng paraan upang hindi matuloy
ang kasal ni Talonggito at ni Kamari.
Pagsapit ng gabi, dinukot ni
Talonglong si Kamari. Iginapos at nilagyan ng busal. Ibinaon niya ito sa lupa
upang doo’y mabulok at mamatay.
Kinaumagahan, masayang-masaya si
Talonglong sapagkat alam niyang wala na ang panggulo sa palasyo. Lumabas siya
sa kanyang silid ngunit laking gulat niya nang makita niya si Kamari. Buhay na
buhay at lalo pang naging mapula ang balat nito. Narinig niyang kinukwento nito
sa lahat kung paano siya sinagip ni Bathala sa kamatayan.
Nang ilahad ni Talonglong ang
kanyang sarili sa lahat ng tao sa palasyo, napasigaw at nagulat ang lahat sa
kanyang anyo! Ang dating makinis at kulay lila niyang balat ay naging kulubot
at kulay berde na! Naluha ang kanyang mga magulang ngunit ang mga gulay na
ganito ang anyo ay hindi nararapat na manirahan sa palasyo. Labag man sa loob
ng kanyang mga magulang, ngunit pinaalis si Talonglong sa kanilang kaharian.
Nang halikan ito ng kanyang ina, natikman nito ang pait ng lasa ng balat ng
kanyang panganay na anak.
Nagpakita si Bathala sa Kaharian
ng mga gulay at sinabi, “Iyan ang kaparusahan sa mga gulay na nagtatangka ng
masama sa kanilang kapwa! Iyan ang nararapat sa mga palalo na tulad mo at
walang awa! Sa iyo magsisimula ang angkan ng mga mapapait na gulay! At ang mga
tulad mo’y hindi kagigiliwan ng mga bata! Talonglong, mamumuhay ka na ngayon sa
pangalang Ampalaya!”
Mula sa Malikhaing Imahinsayon ni: Danica Marie A. Arellano
Sunday, August 11, 2013
Alamat ng Ulap, Lupa at Hangin
Alam mo
ba kung bakit umuulan?
Nagsimula
kasi 'yan noong unang panahon nang minahal ng ulap ang lupa.
Malayo
ang pagitan nilang dalawa. Kaya't paminsan-minsan, nagnanakaw ng sandali ang
ulap upang makasama ang lupa sa pamamagitan ng fog.
Ngunit
hindi kuntento ang ulap dito kaya't inutusan niya ang hangin upang magbigay ng
mensahe sa lupa.
Araw-araw,
ganito ang kanyang ginagawa.
Ngunit
lingid sa kaalaman ng ulap, nahulog na ang loob ng hangin sa lupa sapagkat mas
madalas silang magkasama. Inakit ng hangin ang lupa at tuluyan naman din na
minahal ng lupa ang hangin.
Matagal
na itinago ng hangin at ng lupa ang kanilang relasyon.
Ngunit
walang lihim na hindi nabubunyag. Isang gabi nang bumaba ang ulap, nahuli
nitong magkayakap ang hangin at ang lupa. Nagalit ang ulap at nagpasyang
umakyat na muli sa langit.
Labis na
nasaktan ang ulap. Hindi niya napigil ang kanyang damdamin at tuluyan nang
umiyak.
Walang
kapantay ang pagmamahal ng ulap sa lupa. Kaya kahit na alam nitong hindi na
siya mamahalin pa ng lupa, patuloy pa rin niyang binibisita ito. Oo, labis ang
pagmamahal ng ulap sa lupa. Kaya nga hanggang ngayo'y umiiyak pa rin siya
tuwing naaalala niya ang kanyang nakita.
Mula sa mapaglarong imahinasyon ni: Danica Marie A. Arellano
Subscribe to:
Posts (Atom)