Tuesday, July 23, 2013

NIR AP WAKI TAKGAP' ('Pagkat Ikaw Pa Rin)

Tila ba isang bubot na bulaklak
Na hindi na natuloy ang pagtubo
Sapagkat papasibol pa lamang
Ngunit agad nang pinitas -- hinugot

Paano mo agad na nalimot
Mga araw na pumawi sa iyong lungkot
At ngayo’y nang dahil sa'yo
Buhay ay naging masalimuot

Di ko alam kung sinong sisisihin
Ako bang di nakapaghintay
O Ikaw na tila ayaw magbigay
Ng inaasahan kong pag-ibig [sana] na tunay

Tuluyan nang nagkahiwalay
Landas ay di na magkasabay
Ngunit pangalan mo pa rin ang isinisigaw

Ng puso na itong patuloy na naliligaw

Saturday, July 13, 2013

Tula ng Aking Buhay (Bilang Isang Manunulat)

Ipipikit ko na lamang siguro ang aking mga mata
Dala ng matagal na kahihintay, lumabo na yata at napagod
Ngunit ang katotohana’y sariwa pa rin sa aking alaala
Kung gaano ko hinanap at hinulma ang bawat taludtod

Tila yata unti-unti nang dumidilim ang aking tala
Pumupurol na ang lapis, nauubos na ang tinta
Ni isa’y walang nailimbang sa aking mga nilathala
Tanong sa sarili’y saan ka nga ba talaga papunta?

Kay lamig ng paligid, nakakulong dito sa isang silid
Karamay ang sarili, kausap ang mga nagkalat na aklat
Pinipigilan ang pagtulo ng mga luhang nangingilid
Kailan kaya gagaling itong aking malalim na sugat?

O, anong saya kung ito’y magakakaroon ng wakas
Lapis ay muling tatalas, tala’y magniningning nang muli
Tiyak ako na may naghihintay na panibagong bukas
Kaya’t salubingin mo ito ng buong galak at may ngiti sa labi

Friday, July 12, 2013

Creative Portraiture

Our (BMC IV-2 under Prof. Elvert Dela Cruz Banares) activity for this week was to take a creative portraiture. Below are the raw photos taken by yours truly. :)


True Love Stays.

Levitate! :)
Model: Angelo Noreen J. Ibon as Harry Potter

First try to levitate. Pretty cool but the framing didn't work. xD

Nailed it! :)

Blown by the Wind
(As seen on Facebook.com)
Model: Jerleen Mae Q. Argonza